Nakakabaliw na ito!

Malapit na akong mabaliw. As in baliw na baliw. As in SISA baliw.
Pare ko, sa Lunes na ang eleksyon. At sa itsura, nakalalamang ang hindi dapat
lumamang. Eh wala nga akong itulak sipain kay Noy at Erap eh!
Ang tingin ko………….
1. Hindi handa ang Pinoy sa taong tapat ang hangaring tumulong sa kapwa.
Tapusin ang kahirapan, tulad ng ginawa nya sa sariling buhay. Ngunit hirap ang
Pinoy maniwala sa isang taong matapat at sa taong nakuhang yumaman sa
sariling sikap at tyaga. Dahil kaya hindi ito ang lakaran —— dahil karamihan sa
mga yumayaman ay (1) namana ang kayamanan maski nag tamad tamaran;o
(2) yumaman dahil nagloko, nagnakaw, naminsala o nangurakot. Nakakaawa na
talaga tayo. Wala nang tiwala sa sariling sikap at tyaga. Wala nang tiwala sa
kapwa na may magandang hangarin. Basura na ang utak natin.
2. Hindi na tayo natuto.
Ulit ulitin man, di na tayo matuto tuto. Yung napatunayang nagnakaw sa
bayan, gusto pa rin iboto. At yung walang nagawa sa ilang taong nilagi sa
serbisyo, ay mas kinikilingang uubrang presidente kaysa sa mga may
napatunayan ng talaga. Bakit? Dahil may nalalatay na dugong bayani daw?
Dahil nakakasiguro silang maganda ang palaki ng mga magulang na sinasamba
ng sambayanan? Ang alam ko, iyan din ang dugo ng isang kapatid na naiba ng
landas at dumungis sa pangalan ng magiting na mga magulang, di ba?
3. Aminin na ninyo, maski mahirap matapobre!
Pag naririnig ko ang mga maralitang nagsasabe na “babawiin ang nagasta”
ng isang kandidato, sumasagi sa isip ko kung bakit itong si Villar lang ang
pinagdudahan ng ganyan.
Paano na yung mga ibang kandidato na ang puhunan ay galing sa mga
negosyante? Hindi ba babawi yun? Bakit si Villar lang ang pinag isipan ng
masama? Sa pagkakaalam ko, si Noynoy, Erap, Gibo at Dick ay pulos laki sa
karangyaan. Ito ba ang dahilan kung bakit si Villar lang kinukwestyon sa
kanyang mga gastusin? Aminin man nating mas malaki ang nagastos nya, di
yun sapat na dahilan na magbulag bulagan tayo sa “puhunang babawiin” ng
iba. O baka naman kasi yun talaga ang “lakaran”, at di sanay ang tao na ang
kandidato mismo ang tumutustos sa kanyang gastos para wala syang kikilalanin
na utang na loob sa mga taong kada eleksyon ay “pumupusta” sa kandidato?

BAHALA NA NGA KAYO. Kung gusto nyong magbingi bingihan, mag maang
maangan, diskarte na ninyo yaan. Ang sa akin lang, kinakawawa ninyo ang
ating bayan. At lalong kinakawawa ninyo ang mga maralitang nangarap
magsilbi ng tapat sa mahal nating bayan.
Ampatuan, kanino ka ba talaga?
Sino naman kayang politiko ang magpapa-endorso dito kay Ampatuan? Di ako naniniwala na gugustuhin iyan ni Villar o maski ni Noynoy. Para na rin silang may sayad kung gugustuhin nila iyan.

Ang tanong, kaninong pakana kaya ito? Napakadali magpasuot ng baller — mapa orange man o dilaw — kay Ampatuan. Nakakatawa man at masakit sa pandinig, kahinahinala na isang araw, iendorso ni Ampatuan si Manny Villar (at si Remulla), at sa susunod na araw ay si Noynoy at Mar. Hindi ko maubus maisip na padadalhan siya ng magkalabang Villar at Aquino ng nasabing baller para suutin.
Nakakabwisit din naman ang pagtrato ng ABS Cbn sa naturang pag endorso ni Ampatuan. Napakawaglit ng anunsyo na si Villar ang kandidato ni Ampatuan nung umpisa. Ngunit nang si Noynoy at Mar na ang inendorso ni Ampatuan, mahaba at kumpleto ang pag tanggi na ginawa ni Noynoy. Talaga namang halatang halata kung sino ang kinikilingan ng ABS CBN.

Kaya ang tanong ko. Ampatuan, kanino ka ba talaga? Ikaw ba ay pinag utusan lamang? Kaninong sarswela o pakana ba ito? Ito ba ay isa na namang kwentong pinipiga para mailunsad sa ere ang isang kandidato? Para may dahilan para maikwento nang paulit-ulit sa madla ang inyong manok? Hindi pa ba sapat yung pag ere ninyo ng katakot takot na palabas patungkol kay Cory at EDSA I? Ano pang pangbibilog ng ulo sa mga manunuod ang gagawin ninyo para lang ipaalala sa marami ang katangi-tanging magulang ng inyong kandidato? Ilan pang interbyu ang gagawin ninyo para paulit-ulit maitanggi ng inyong kandidato ang endorsong ito ng mga Ampatuan? Ilang ulit ba makikita ng mga manunuod ang pagmumukha ng inyong manok ngayong palapit na ang eleksyon? Ano pa kayang kwento ang inyong mabubuo para mapag-usapan at makahanap ng kadahilanan para mai-ere ninyo ang taong inyong kinikilingan?
Nakalulungkot isipin. Na ang media ay may kinikilingan.
TOPAK Dirty Tricks Department ni Noy?

Kaya naman pala. Ayos na ayos ang mga halimaw sa paninira. Sanay na sanay. Hindi ka……panahon pa ng labanang FVR Tabako at Miriam, buhay na ang mga halimaw na ito. Mga abogado de campanilla, mga magigiting na finance whiz kids, at mga myembro ng civil society at alta sociedad na mahilig mag rally “at the drop of a hat”.
Kopyahin ko lang dito yung sinabi ni Alan Peter Cayetano. Dagdagan ko na lang ng mga litrato ng mga bwisit na ito na nag i-impostor na mga disenteng tao daw.
Press Release
April 5, 2010
Cayetano bares Aquino’s TOPAK behind demolition job vs Villar
Sen. Alan Peter Cayetano, secretary-general of the Nacionalista Party, accused Liberal Party (LP) presidential bet Noynoy Aquino’s dirty tricks group TOPAK of being behind the demolition job against NP standard-bearer Manny Villar.
Cayetano said the TOPAK stands for “Trapo, Oportunista, at Kamag Anak Inc.”
During a news conference, Cayetano said the public has the right to know who are the people running Aquino’s dirty campaign.

“It is now time to reveal who are the brains behind this smear campaign, who are PhD holders in paninira,” Cayetano said.
“They are no other than the Trapos, Opportunists, and Kamag-Anak Inc. who served as core group of President Gloria Macapagal Arroyo and who now form the core group of LP and Noynoy Aquino’s campaign team,” he said.
He said these are the same people who launched the demolition job against Fernando Poe Jr.
Cayetano added: “They are the same people who orchestrated the proclamation of Arroyo in 2004 and the same people who tried to save her from the Hello Garci scandal. They are the very same people who tried to grab power for themselves.”
He said the NP deplores the dirty tactics used by Villar’s political opponents in order to besmirch the name of its standard-bearer.

“Senator Villar’s life story of humble beginnings and struggles as a poor boy from Tondo before becoming a highly successful businessman and public servant has been the subject of vicious negative publicity.
“The fanatical zeal for character assassination against Senator Villar by Senator Aquino and his TOPAK minions can only be done by the most sinister and hallucinating minds,” he said.
In the end, Cayetano said, the bottomline is how to solve poverty.
“Hinahamon namin si Noynoy at ang TOPAK na ang pag-usapan ay kung paaano maiahon ang bayan sa kahirapan. Sinubukan nila ito nung sila ang nakaupo kasama si GMA sa mahabang panahon, hawak ang mga departamento at bilyong bilyong pondo, ngunit sila ay nabigo,” he said. #
Jologs daw kame, sabe ng mga CONYO!
Sige, aaminin namin.

- Di kame dugong bughaw tulad ng mga hasyenderong angkan ng Cojuangco, Aquino, Roxas at Madrigal
- Di kame pa ingles-ingles at pa conyo-conyo…….dahil katropa nga kame!

- Jologs na kung jologs kame. Dahil pandesal at tubig lang ang baon namin, di tulad ng mga nag mamartsa o “stroll” ba ang tawag dun sa paikot ikot ng Ayala at Paseo. Yung pandesal namin, wala pang panlaman, di tulad ng pastrami sandwich at turkey ham na baon nila Donya Mercedes at Don Quixote na may dala pang yaya taga hawak ng handbag at lunch bag na baon nila.

- Oo na, amoy asim kame kumpara sa mga mamahaling cologne o baby powder na maya’t maya dinadampi ninyo sa inyong mga braso at damit.

- Sige, marumi na rin ang mga paa namin pag itinabi sa mga suot ninyong Ferragamo at La Coste na rubber shoes. Ay, hindi Nike pala!

Ngayon natin tunghayan at alalahanin…………kaming mga maralita ang nagluklok sa mga Presidente. Pero kayong mga mararangya ang nagtanggal sa kanila. Pinagulo ninyo ang mundo namin. Ano naman kaya ang dinulot nuon? Naupo si Cory. Naupo si Gloria. Nakadalawang EDSA kayo. Dapat nga tatlo nang ninais ninyong patalsikin si Gloria. Di lang umubra, kasi yung ibang kasamahan ninyo ay di pa tapos makinabang kay Gloria. O, di ba? Patalsik kayo ng patalsik, mga imperyalismong taga Maynila at Makati. Iluluklok NATIN. Matapos, patatalsikin NINYO dahil TAPOS NA KAYONG MAKINABANG AT KAILANGAN NINYONG HUMANAP NG IBANG MAUUTO PARA PALAWIGIN ANG INYONG IMPLUWENSYA. Mga hangal!
Kaming mga dukha ay mga PILIPINO DIN! Kaming mga maralita ay bumoboto din. Kaming mga dalita (na tawag ninyo ay “dalits”) ay may karapatan din. Kaming mga yagit ng lipunan ay TAO rin, MGA LINTIK NA MATAPOBRE KAYO!

Sino Daw Ang Sinungaling?
Kahuhusay ninyong manira ng kapwa. Ang gagaling ninyong mag imbestiga at lumikom ng kung ano anong dokumento. At wala kayong kagatol gatol na magparatang sa ibang tao .

Sinungaling si Villar? Dahil daw hindi tunay na mahirap? Alam ba ninyo kung ano ang ibig sabihin ng mahirap? Inamin naman ni Villar na dinala ang kapatid nyang si Danny sa FEU Hospital nang ito ay malala na ang sakit at duon pa nga inabutan ng pagkamatay. KAYO? Inamin din ba ninyo na CHARITY PATIENT si Danny duon? Hindi ba’t malisyoso ang ginawa ninyong pahayag na para bagang di totoong mahirap ang pamilya ni Danny Villar dahil sa pribadong ospital sya isinugod para ipagamot? Ang sabe pa nga ni Noynoy, dun silang magkakapatid ipinanganak sa FEU Hospital, at sa tingin naman nya, MAY KAYA ANG PAMILYA NILA? Anong malisya iyan? O kabobohan? DI BA ALAM NG SOLONG ANAK NI CORY AT NINOY NA MAY CHARITY WARD ANG LAHAT NG PRIBADONG OSPITAL? Talaga namang lumalabas ang pagka arogante ng dugong bughaw! Mga asyenderong mapagsamantala sa mga dukhang maralita.
Napakabilis ninyong humusga. Sinungaling? Hindi ba’t kayo ang sinungaling nung:
- Sabihin ni Noynoy, bagkus ipinangako, na ipamamahagi na ng kanilang pamilya ang Hacienda Luisita sa mga magsasaka?
- Nang sabihin ni Noynoy na na-“misquote” lang ng New York Times ang kanyang pinsan na si Fernando Cojuangco na nagsabe na HINDI MAAARING IPAMAHAGI ANG HACIENDA SA MGA MAGSASAKA?
- Nang ipagmatigasan ng New York Times na hindi totoong na - “misquote” si Fernando Cojuangco, at handa silang ilabas ang “taped recording” ng kanilang interbyu?
- Nang wala nang narinig sa kampo ninyo matapos magmatigas ang New York Times sa kanilang pahayag? Dahil nahuli kayong nagsisinungaling? Dahil nabisto kayong nangangako ng di totoo?
At ano naman yung mga atras-abanteng posisyon ni Noynoy ukol sa:
- RH Bill. Ito ba ay suportado nya o hindi? Hanggang ngayon, malabo o pinalabo ni Noynoy ang kanyang tunay na saloobin tungkol dito. Papalit palit ng posisyon depende kung sino ang kaharap. Siempre, pang Katolikong simbahan ang kaharap, pro-LIFE sya.
- Pardon kay Erap. O, ano ba talaga ang ibig nyang sabihin dito? Na di nararapat na pinatawad ni GMA si Erap? O di nararapat na nasistensyahan ng plunder si ERAP? Ano ba Kuya? Ang labo mo talaga.
- Walang bagong buwis. Sinabi mo ito sa Makati Business Club kung saan yung mga uto utong bilib na bilib sa iyo ay hindi magkamayaw sa kapapalakpak sa iyo. Tapos, bwelta ka agad at sinabi mong susuriin mo muna at maaaring magpataw ng bagong buwis kung talagang kakailanganin. Ibig sabihin, nagsinungaling ka duon sa mga “fans” mo sa Makati Business Club? O talagang lumitaw lang ang kabobohan mo?
- Chief Justice ng Supreme Court. Di daw kikilalanin ni Noynoy? Tama ba pandinig ko? O di kaya ipapa-impeach mo? Paano kaya kung si GMA ay i-appoint si Carpio na ka-alyado ng mga kaibigan mo sa Liberal Party? Baka umatras ka na naman sa posisyon mong yan, Noy. Dahan dahan sa bitaw ng salita. Parang kung sinong matapang ka, eh, ang tagal tagal mo namang nanahimik sa Kongreso at Senado habang tumatanggap ka ng pork barrel mo kahit wala kang ginagawa.

Ang payo ko lang, Kuya, wag basta basta mag husga. At baka mas madaming maungkat na kasinungalingan ninyo. Kapitan Atras-Abante ka pa naman. Patunay ng iyong padalos dalos na salita, ng iyong pagsisinungaling makaloko ka lang ng tao.
Anong sabe mo, “kung walang korapsyon, walang mahirap”? Eh ikaw kaya, malinis?
- Ikaw ba ay walang ginawang korapsyon?
- Ikaw ba ay walang pinagkakitaan mula sa isang negosyo na nakakuha ng kontrata sa gobyerno?
- Aaminin mo ba na ikaw ay nagtayo ng isang ahensya para kumontrata ng security guards para sa mga ari-arian ng gobyerno?
- Yung BEST Security Agency mo (BSA, for short, parang Benigno Simeon Aquino na ngalan mo) , hindi ba nakinabang iyon mula 1986 hanggang 1992 na nakaupong Presidente ang nanay mo?
- Hindi ba’t mahigit 32 korporasyon na na-“sequester” ng gobyerno ang sinerbisyuhan ng iyong BEST Security Agency? Iba pa yung mga kontratang nakuha mo sa grupo nila Lucio Tan at iba pang ka-intsikan. Sa tingin mo ba, makukuha ninyo (isang bagong kompanya) ang mga kontratang iyon kung hindi dahil Presidente ang nanay mo? Ginamit mo pa ngang business address ang bahay na tinutuluyan ninyong mag-ina, di ba? Takot lang ng mga negosyanteng yun na humindi sa inyo. Matapos nga bumaba si Cory, nasara na rin yung security agency mo, di ba? Wala ng negosyo, dahil wala na si Mommy?

Di ko na isasali sa usapan yung korapsyon na dulot ng pagmamatigas ng pamilya ninyo sa Hacienda Luisita. Marami na ang naisulat duon. Minsan mo nga lang sinagot. Nangako ka. Tapos, palpak pa. Bistado kayo ng New York Times. Buti na lang banyagang pahayagan. Kung lokal lang yun, sasabihin na naman ng kampo ninyo na nabayaran ni Villar.
O, sino ngayon ang sinungaling? Ang pagsisinungaling ay di lang sa pagsasabi ng di totoo. Kasama na dito ang di pagsasabi ng buong katotohanan, upang bigyan ng malisya ang isang isyu. At lalong kasama dito ang pagbawi sa mga unang nasabi o papalit palit ng sinasabi depende kung sino ang kaharap. Higit sa lahat, ang pagsisinungaling ay katumbas ng pagmamalinis ng mga taong may bahong itinatago at pilit ikinukubli.
Also read http://www.ugnayan.ca/NewsArticle/Detail.aspx?newsID=19105
Di Ko Kayang Tanggapin (Na Mahirap si Villar)?
Nagtropa tropa na rin sila. Ang mga ipokritong sila Monsod, De Quiros, Esposo at Banayo. Lumantad na ang mga ito at si Noynoy at Mar na talaga namang at tunay na tunay na DI NILA KAYANG TANGGAPIN NA DATING MAHIRAP SI VILLAR.

Ngayon lang ako nakarining na pinagtatalunan pa kung paano kahirap ang tao. Hirap na hirap? Ibig sabihin PATAYGUTOM? O mahirap lang? Ibig sabihin walang karangyaan tulad ng mga anak ng haciendero? Aha ha ha. Ito talagang mga elitistang ito, ang kilala lang yatang mahirap eh yung mga sumasala sa pagkain at gusgusin at mukhang trapo. Yung bang mga pakalat kalat sa kalye at nagmamalimos. Di nila kilala yung mahirap na kailangang magbanat ng buto para kumain at mahirap na di man sumasala sa pagkain, ay di nakaranas ng mga bagay-bagay na pinagbabalewala lamang ng mga nakaaangat sa buhay.
Tulad na lang ng kutsara at tinidor. O iisang ulam na lumalangoy pa sa isang kalderong sabaw. O yung may baon sa eskwela na nakabalot sa napkin. O kaya yung isa o dalawa lang ang pantalon, hiraman pa sa magkakapatid. Di nila kayang tanggapin na kaya nakakain ng almusal, tanghalian at hapunan ay dahil gumising ng maaga para magtinda.

Malayong malayo ang kanilang mundo sa mundo ng mahirap na nagsisikap. Nakalimutan na nila na ang mahirap, maski walang pera, ipagpipilitang mapagamot ang anak maski sa pribadong ospital. Kung bakit naman kasi inimbestigahan na ng husto, iniliban pa yung impormasyon na nasa CHARITY WARD naman yung kapatid na namatay sa pribadong FEU Hospital. Hindi ba’t umaapaw sa malisya yang ganyang klaseng pagsusulat? Bakit mo ipapalabas na hindi tunay na mahirap kung CHARITY PATIENT nga? Baluktot na pamamahayag….ganyan na ba inabot si Solita Monsod? Di bale na si Banayo at Esposo, matagal nang baluktot maghayag yung dalawang iyon. At si De Quiros naman ay iba ang “trip” —- pakiramdam nya may sarili syang mundo kung saan di siya puedeng magkamali, magpalipat lipat man ang kanyang mga opinyon.
Tanggapin na ninyo. Mahirap si Villar, di tulad ninyo na sanay sa karangyaan. Si Noynoy at Mar, ano ang nalalaman nila tungkol sa kahirapan? Pati na nga si Erap, yung kahirapan ay naranasan nya lamang sa pelikula, dahil ang nanay nya ay tinatawap pa kayang Donya Mary, di ba? Nagbanat na ba sila ng buto para kumita ng sapat para ipang-ulam? Mahirap na patay gutom at mahirap na nagbabanat ng buto—— sinusuri pa ba iyan? Palibhasa puro sila may yaya na sinusubuan pa ng pagkain!!!! Hinding hindi sila na mga impostor ang nakaaarok ng tunay na damdamin ng tunay na mahirap.
Waaah……….Inapi din Kami!!!! Waaaaaahhhhh…….
Noy, balik na naman ba tayo sa kuentong Mama at Papa? Waaaahhhh. Akala ko derecho na tayong usapang matino, usapang plataporma ng gobyerno, usapang seryoso. Ano’t balik ka na naman sa pa-sentimyentong EDSA ? Habilin ba yan ni hippie na kulelat De Quiros? O kadramahan ba yan ni Campaign Manager Serge Osmena na bagong bossing ni Lito Banayo? O, wag kayong mag-deny ha. Halatang halatang balato ni Pareng Ping Lacson si Banayo sa inyo. Kunyari pa hindi derecho sa Komiteng Dilaw, kundi solong bosing kay Serge O. Para nga naman wala alam si Ngoyngoy at baka pag natanong eh lalong mabulol sa pagsisinungaling. Hay naku. Bulok na style nyo. Sige na rin. At nang may pagkakitaan naman si Banayo. Iniwan na kasi ni Ping na hayun, nag tatago na.
Yung Hacienda Luisita nga , ayaw ninyong pag usapan. Maski sa Press Con sa Catarman, Samar, pinagbawalan ninyo ang media na magtanong. Baket? Di mo kayang sagutin, Noy? Hirap kasi, ang daldal mo eh. Ayun, di mo pala kaya si pinsan mong Fernando Cojuangco. Nabisto ka tuloy na nangangako sadyang ipapako. Katunayan ng inyong bisyong panloloko sa mga malilit na taong katulad namin. Laking problema ninyo dahil propesyonal ang New York Times dahil naka-taped pala ang buong interbyu. O, hihirit pa kayo? Kaya siguro bawal ka nang tanungin tulad dito. Ano daw yun? Bawal? Baket?
Tapos ngayon, sasabihin mong inapi kayo? Oo, nakidalamhati kami ng pinatay ang tatay nyo. Pero dahil sa kabayanihan nya kaya naging Presidente ang nanay mo, at kaya ka rin tumatakbo ngayon. Kung tutuusin, sino ka ba? Wala ka namang kuenta. Walang kapansin pansin sa iyo. At di ka rin naman nagpapansin nung una, dahil hacienderong tamad ka na asa lang sa mana. Para maging kagalang galang, lumaban at nanalong congressman at senador. Gamit na gamit talaga ang nanay at tatay mo.
Pati na nga kapatid mong si Kris, gamit na gamit mo na rin. Wala ka bang naipon ? Singkwenta anyos ka na , tsong. Asa sa mana at pork barrel, di ba? Suerte mo naman. At si Kris, masipag mangampanya. Lahat nga ng nangyari sa buhay nya, naidudugtong nya sa kampanya mo eh. At ngayon, may pakinabang ka pa kay Kris na taga “I’m sorry” mo kay Pareng Erap. Ikaw naman kasi, dakdak ng dakdak. Di ka kasi nag iisip.
Pero tigilan mo na yang INAPI kami na linya. Nakaka-abnoy yan, tsong. Nainsulto
kaming lahat. Ano gusto mo, maawa pa kami sa iyo? Naku naman, Noy. Katindi mong bumanat. Wala talaga sa lugar! Mag-retreat ka na lang o di kaya lumakad ng paluhod. Baka sakali, manalo ka!
Krissy Steals the Scene From Pacquiao?
Ito talagang si Kristeta, kahusay sa timing. Imbes pag-usapan si Pacquiao na Pambansang Kamao, na di mapipigilang mag kampanya kay Manny Villar, eto naman po si Krissy na OA sa kanyang 10 minute spiel sa The Buzz.

Opo, sampung minutong airtime iyon na di kasama sa regulasyon ng Comelec ha! Andun si Kris, pa cry cry , habang sinasabi kung paano nag sakripisyo ang kanyang ina , ama at mga kapatid ………..para sa bayan. (Gasgas….gasgas….gasgas….)
Oo na, Kris, ilang beses na namin narinig yan. Ano pa nga sinabi mo? Hindi kayo masasamang tao? At hindi ka BRAT? Sya, sya, sya na nga ka arte arte. Meron ka pang padaplis tungkol sa kurakot…….at hikbi hikbi, itsurang aping api ikaw. Ang bunsong prinsesa na para bagang pinagpipistahan ng madla para lang gamiting panira kay Noynoy. Ay sus! Ano ka ba? Matapos ang episode mo kay Ruffa at Tita Annabelle……..eto ka na naman at ume-eksena?
Sa sampung minutong iyon na libreng pamumulitika sa ABias-CBN, nasabi mo kung paano kayo kagaling na pamilya, kung paano ka ginagamit para sirain kuno si Noynoy, at inarok mo pa ang damdamin ng madla sa pag gunita ng sakripisyo ng iyong mga magulang para sa ating bayan. O ayan, kumpleto ang sangkap! Walang sinabe ang mga campaign ads ni Ngoyngoy.

Naku naman, Kris. Ano naman kaya ang susunod mong eksena? Bumenta na yung away-away nyo ni James, na may kasama pang layasan. Eh di naman tumagal, at balik-balik ka na naman at para ngang walang nangyari, ano? Mukhang napakagiting mo pa nga na pa sorry-sorry pa sa nanay ng babaeng pinagselosan mo. Parang tunay na tunay ang drama mo. Ayos na ayos ang pagka- “disente” mo kunyari. Tulad ng pag ka “disente” mo nung nagtatalak si Tita Annabelle sa GMA. O, pa sorry sorry ka din dun, diba? Pero yung 5 minute spiel mo dun, naisingit mo din kung paano di dapat isama sa usapan si Noynoy . Kung di sya kasali, eh bakit banggit ka ng banggit? At ngayon naman, kulang na lang humagulgol ka.
Sige, Pilipinas, Kris has got Talent! Palakpak naman dyan! X X X
Sino ang babawe? Engot ka talaga, Noy!
Kababasa ko lang nito:
kung saan sinabi ng magiting na anak ni Ninoy at Cory ang ganito:
“Sen. Benigno “Noynoy” Aquino III is open to getting contributions for his presidential campaign from big businessmen like the Lopezes, Lucio Tan and his uncle Eduardo “Danding” Cojuangco, but only if they agree to play by his rules. “We don’t refuse [their donations] but we have leveling off; the only thing we can promise you is a level playing field,” the Liberal Party standard-bearer said.”
Nagpakatanga ka na naman, Noy. Mantakin mong aminin mo ngayon na tumatanggap ka ng donasyon sa mga negosyanteng ito? E di ba may mga nakabinbing atraso yang mga iyan? Tax evasion. Meralco rates. San Miguel Shares na na-“sequester”, at iba pa. Naku, taranta na naman ang kampo mo tyak. Ang susunod na tanong, magkano ang donasyon nila? Pusta ko, malaki. Tyak, hindi yan kasali sa “piso-piso” na pinagmamalaki at pinag-aarte ninyo ni Kumareng Mar. Naku, Noy! Ang engot engot mo talaga.
Sino ngayon ang babawe sa kanilang “return on investment”? E, di ba kayo ang mapilit magsabe na si Pareng Manny Villar ay negosyante at siguradong babawiin ang kanyang itinapon na pera sa kampanya? Ano kamo? Return on Investment ba yun? E, yang mga negosyanteng yan kaya? Exempted ba yan sa iyong teorya? Consistency, Noy, consistency. Dame mo nang kontradiksyon.
Kaya ka nga mahal na mahal ng mga negosyante sa Makati Business Club, eh. Dali dali mong lokohin. Bigay sila, tanggap ka. Kunyari , walang kapalit. Tapos , aarte arte pa yung kapatid mong bratinela na pabenta-benta pa ng bahay. E ibebenta naman talaga yun para malayo sila dun sa na-tsismis sa asawa nya, no!
Di ba sabe mo, banggit ng intsik, inis inis na sya sa infomercials ni Villar, kaya bigay sya pera para gawa ka din? O, mahal mahal yang donasyon na yan kung pang- infomercial ha. Walang kapalit? Di babawiin? Tinatakot mo ng husto mga kababayan natin na babawi si Pareng Manny. Buti nga, pera nya ginagasta nya eh. Wala sya utang na loob o “secret deals” sa ibang tao di katulad mo. Kunyari ka pa. Hipokrito! Double standard sa pag-trato ng negosyante. Yung isa, babawe. Yung kabila, pag kakampi mo, di babawe. Engot. Di mo kame maloloko.
Father Jesuit, Ano Po ang Payo Ninyo?
Maraming marangal, maraming bayani, maraming matalino ang nag aral sa paaralang ito sa katipunan. Yung iba pa nga, naging Presidente o di kaya, ay asawa ng Presidente. Sa pagkakaalam ko, magaling daw ang turo. Bukod duon, mahusay daw mag disiplina at magturo ng tamang prinsipyo ang mga paring Jesuit na inabutan pa ni Dr. Jose P. Rizal, ang ating pambansang bayani.

Kung kaya naman, di kapanipaniwala na ang isang masama at mapanirang balita ay manggaling sa elitistang paaralang ito. May nagpakalat ng balita na si Manny Villar daw ay nagmamay-ari ng isang mansyon sa Salt Lake City, Utah. Pinakalat ang balita, kumpleto sa mga litrato ng ekstrabaganteng mansyon at kasangkapan, sa email. Meron pang panghikayat na ipadala ang istorya at mga litrato sa mga pahayagan. Ang kaso lang……..pumalpak ang propagandang ito ng mga elitistang mahilig umingles. Ang istorya, pati na mga litrato, ay patungkol sa mansyon na pag-aari ni Presidente Mugabe ng Zimbabwe. Dati nang nalathala at umikot ang tsismis na ito tungkol kay Mugabe. Totoo man o hindi, pinatulan ito ng mga Inglesero at ginamit para sirain ang katauhan ni Manny Villar.

Ngayon at napatunayan na ito ay isang malaking kasinungalingang umalingawngaw mula sa kampus ng mga elitista sa Katipunan, ano naman kaya ang masasabe ng mga pari duon? Mayroon kaya silang maipapayo sa kanilang mga estudyanteng mayayaman at matapobre? Imbestigahan din kaya nila ang iba’t iba pang mga balitang sinimulan ng mga grupong ito , katulad ng:
- Lihim ng pagtitipun ni First Gentleman Mike Arroyo at Villar sa bahay ni Mike Defensor nuong Enero 7? (Eh sabe ni Defensor, dumating daw sya galing bakasyon sa Israel nito lang Enero 8)
- Lihim na kandidato ni Gloria si Manny Villar at ang kanilang lihim na pagkikita sa Syria? (Pero sabe ni Villar, di pa daw sya nakakatuntong sa Syria. At di pa sila nagkikita o nagkakausap ni Gloria mula nang matanggal syang presidente ng Senado)
- Na di daw tunay na mahirap si Villar at gawa-gawa lang ang istoryang eskwater sya dati ng Tondo at naligo sa basura, etsetera? ( Sino ang may sabe? Eh baket may mga kapitbahay at kaeskwela si Villar na sumusumpa sa kanilang kahirapan at pagka amoy-hipon ni Villar tuwinang siya ay papasok sa eskwela?)
- Na babawiin daw ni Villar ang lahat ng kanyang ginagastos sa kampanya? (Sabe nga ni Villar, pera nya ang kanyang ginagamit. E yung iba? Sino ang gumagasta? Baka yun ang mga babawe!)
- Na binayaran si Dolphy at Willie Revillame ng milyon milyon para i-endorso si Villar , maski pa sabihin ng dalawa na di sila nagpabayad. (Eh yung mga artistang nag endorso kay Noynoy, baket walang umaalipusta? )
- At ang C5 na kontrobersya na nagsimula sa “insertion, realignment, overprice, conflict of interest, hanggang sa umabot pa sa bribery”. Isang kwentong pinagbuhusan ng mahabang panahon sa Senado magsimulang mag deklara si Villar na lalaban syang Presidente.
Father Jesuit, payuhan ninyo po kame? Palampasin na lang ba namin itong mga paninirang ito? Di ninyo ba sisilipin man lang kung sino ang nagpakalat nireng Mugabe mansyon story? Nakakahiya po kase. Baka sabihin kinukunsinti ninyo. O mas malala, baka sabihin turo ninyo yang ganyang mga klaseng black propaganda. Hindi naman po siguro, ano?

