Sino Daw Ang Sinungaling?

Kahuhusay ninyong manira ng kapwa.  Ang gagaling ninyong mag imbestiga at lumikom ng kung ano anong dokumento.  At wala kayong kagatol gatol na magparatang sa ibang tao .

Sinungaling si Villar?  Dahil daw hindi tunay na mahirap?   Alam ba ninyo kung ano ang ibig sabihin ng mahirap?   Inamin naman ni Villar na dinala ang kapatid nyang si Danny sa FEU Hospital nang ito ay malala na ang sakit at duon pa nga inabutan ng pagkamatay.  KAYO?  Inamin din ba ninyo na CHARITY PATIENT  si Danny duon?  Hindi ba’t malisyoso ang ginawa ninyong pahayag na para bagang di totoong mahirap ang pamilya ni Danny Villar dahil sa pribadong ospital sya isinugod para ipagamot?   Ang sabe pa nga ni Noynoy, dun silang magkakapatid ipinanganak sa FEU Hospital, at sa tingin naman nya, MAY KAYA ANG PAMILYA NILA?  Anong malisya iyan?  O kabobohan?  DI BA ALAM NG SOLONG ANAK NI CORY AT NINOY NA MAY CHARITY WARD ANG LAHAT NG PRIBADONG OSPITAL? Talaga namang lumalabas ang pagka arogante ng dugong bughaw!  Mga asyenderong mapagsamantala sa mga dukhang maralita. 

Napakabilis ninyong humusga.  Sinungaling?  Hindi ba’t kayo ang sinungaling nung:

  • Sabihin ni Noynoy, bagkus ipinangako,  na ipamamahagi na ng kanilang pamilya ang Hacienda Luisita sa mga magsasaka?
  • Nang sabihin ni Noynoy na na-“misquote” lang ng New York Times ang kanyang pinsan na si Fernando Cojuangco na nagsabe na HINDI MAAARING IPAMAHAGI ANG HACIENDA SA MGA MAGSASAKA?
  • Nang ipagmatigasan ng New York Times na hindi totoong na - “misquote” si Fernando Cojuangco, at handa silang ilabas ang “taped recording” ng kanilang interbyu?
  • Nang wala nang narinig sa kampo ninyo matapos magmatigas ang New York Times sa kanilang pahayag?  Dahil nahuli kayong nagsisinungaling? Dahil nabisto kayong nangangako ng di totoo?

At ano naman yung mga atras-abanteng posisyon ni Noynoy ukol sa:

  • RH Bill.  Ito ba ay suportado nya o hindi?  Hanggang ngayon, malabo  o pinalabo ni Noynoy ang kanyang tunay na saloobin tungkol dito.  Papalit palit ng posisyon depende kung sino ang kaharap.  Siempre, pang Katolikong simbahan ang kaharap, pro-LIFE sya. 
  • Pardon kay Erap.  O, ano ba talaga ang ibig nyang sabihin dito? Na di nararapat na pinatawad ni GMA si Erap?  O di nararapat na nasistensyahan ng plunder si ERAP?   Ano ba Kuya?  Ang labo mo talaga. 
  • Walang bagong buwis.   Sinabi mo ito sa Makati Business Club kung saan yung mga uto utong bilib na bilib sa iyo ay hindi magkamayaw sa kapapalakpak sa iyo.  Tapos, bwelta ka agad at sinabi mong susuriin mo muna at maaaring magpataw ng bagong buwis kung talagang kakailanganin. Ibig sabihin, nagsinungaling ka duon sa mga “fans” mo sa Makati Business Club?  O talagang lumitaw lang ang kabobohan mo?
  • Chief Justice ng Supreme Court.  Di daw kikilalanin ni Noynoy?  Tama ba pandinig ko?  O di kaya ipapa-impeach mo?  Paano kaya kung si GMA ay i-appoint si Carpio na ka-alyado ng mga kaibigan mo sa Liberal Party?  Baka umatras ka na naman sa posisyon mong yan, Noy.  Dahan dahan sa bitaw ng salita. Parang kung sinong matapang ka, eh, ang tagal tagal mo namang nanahimik sa Kongreso at Senado habang tumatanggap ka ng pork barrel mo kahit wala kang ginagawa.  

Ang payo ko lang, Kuya, wag basta basta mag husga.  At baka mas madaming maungkat na kasinungalingan ninyo.  Kapitan Atras-Abante ka pa naman.  Patunay ng iyong padalos dalos na salita, ng iyong pagsisinungaling makaloko ka lang ng tao.

Anong sabe mo, “kung walang korapsyon, walang mahirap”?   Eh ikaw kaya, malinis? 

  • Ikaw ba ay walang ginawang korapsyon?
  • Ikaw ba ay walang pinagkakitaan mula sa isang negosyo na nakakuha ng kontrata sa gobyerno?
  • Aaminin mo ba na ikaw ay nagtayo ng isang ahensya para kumontrata ng security guards para sa mga ari-arian ng gobyerno?
  • Yung BEST Security Agency mo (BSA, for short, parang Benigno Simeon Aquino na ngalan mo) , hindi ba nakinabang iyon mula 1986 hanggang 1992 na nakaupong Presidente ang nanay mo?
  • Hindi ba’t mahigit 32 korporasyon na na-“sequester” ng gobyerno ang sinerbisyuhan ng iyong BEST Security Agency?  Iba pa yung mga kontratang nakuha mo sa grupo nila Lucio Tan at iba pang ka-intsikan.  Sa tingin mo ba, makukuha ninyo (isang bagong kompanya) ang mga kontratang iyon kung hindi dahil Presidente ang nanay mo?  Ginamit mo pa ngang business address ang bahay na tinutuluyan ninyong mag-ina, di ba?  Takot lang ng mga negosyanteng yun na humindi sa inyo. Matapos nga bumaba si Cory, nasara na rin yung security agency mo, di ba? Wala ng negosyo, dahil wala na si Mommy?

Di ko na isasali sa usapan yung korapsyon na dulot ng pagmamatigas ng pamilya ninyo sa Hacienda Luisita.   Marami na ang naisulat duon.   Minsan mo nga lang sinagot. Nangako ka.  Tapos, palpak pa.  Bistado kayo ng New York Times.  Buti na lang banyagang pahayagan. Kung lokal lang yun, sasabihin na naman ng kampo ninyo na nabayaran ni Villar. 

O, sino ngayon ang sinungaling?  Ang pagsisinungaling ay di lang sa pagsasabi ng di totoo.  Kasama na dito ang di pagsasabi ng buong katotohanan, upang bigyan ng malisya ang isang isyu.   At lalong kasama dito ang pagbawi sa mga unang nasabi o papalit palit ng sinasabi depende kung sino ang kaharap.  Higit sa lahat,  ang pagsisinungaling ay katumbas ng pagmamalinis ng mga taong may bahong itinatago at pilit ikinukubli. 

Also read  http://www.ugnayan.ca/NewsArticle/Detail.aspx?newsID=19105


  1. givemethemoon reblogged this from politicalnewbie
  2. politicalnewbie posted this
To Tumblr, Love PixelUnion

We're updating Fluid!

Soon, we'll be updating the look and feel of this theme. Read about the changes here. You can easily turn off this notification in the theme customization panel.

Close